Wednesday, January 5, 2011

Walang Hanggang Pamana

Mula nuon ako'y pinahalagahan,
Pasaki't ninyo ay walang katapusan.
Ginto man, mula sa akin ay ibigay,
Gantimpala ay sa inyo'y magpupugay.



Mula pagkabata hanggang sa pagtanda,
Biyaya'y mula sa inyo ay kasama.
Kayo man mawalay ito'y may halaga,
Sa puso ko ay walang hanggang pamana.



Mula umpisa hanggang sa kahulihan,
Itong pagmamahal ninyo ay puspusan.
Mawala'y man ang aking Ina at Ama,
Pag-ibig nila'y walang hanggang pamana.

by Ashrock

No comments:

Post a Comment