Wednesday, January 5, 2011

Christian Life ko sa Gitnang Silangan

Unang una nais kong pasalamatan ang Diyos nating buhay Hesukristo, sa walang kupas na paggabay niya sa buhay ko. At sa mga taong nagbukas palad para sa akin,  upang magkaroon ng maayos na career sa buhay.

Medyo minsan naiisip ko na mahirap mabuhay, kaya minsan nasasabi ko na "Lord sana tapusin mo na ang buhay ko." Kasi ba naman, mahirap talagang mamuhay sa Pilipinas, at hindi lang sa bansa ko, kundi sa buong mundo na kung saan mayroong mahihirap na bansa. Hindi naman ako lumaking mayaman, pero sa awa ng Diyos, nakakakain na kami ng 3 beses sa isang araw na hindi nangungutang ang mama ko (Siyempre may business si Mama). Tambay lang kasi ako before, after kong makagraduate sa AMA (Computer Learning School). Ngunit hindi naman ako binigo ni Lord sa mga prayers ko. After kong makapasok sa UDM (Unibersidad de Manila) para kumuha lamang ng short course,  nakilala ko ang isang tao na siyang naging tulay para ako'y makapunta dito sa Saudi Arabia. At the age of 20 years old, nakapunta na ako dito sa Saudi. Pero hindi rin ganung kadali yun! Ang hirap magprocess ng mga papers... After mong matapos lahat ng mga yun, waiting pa ako ng 4 months after nung medical ko. Pero by His grace, nakabawi rin ako sa mga gastos ni mama para makapunta ako dito. Nung una hindi ko alam kung anong klaseng lugar ba yung pupuntahan ko? Naisip ko kasi na dito sa Saudi mainit, pero sabi ng employer ko, malamig daw sa place namin. At ito ang Abha, Saudi Arabia, kaya praise God kasi hindi ako sa mainit na lugar na punta.

 Ngayong naririto na ako. Grabe nagmukha akong alien, ibang iba ang kultura ng mga tao dito. Lalo na ang mga kababaihan. At ang tingin nilang lahat sa akin ay si Jackie Chan, dahil mukha daw akong Chinese at Japanese looks. Hindi katulad sa bansa natin na walang pumapansin sa'yo, dito panay tingin at bati sa'yo ng "SALAMALAIKOM." Siyempre, nag-adjust ako sa pakikitungo ko sa kanilang lahat lalong-lalo na sa boss ko na talagang maninibago ka sa ugali niya. Gayundin sa ibang mga lahi, katulad ng nepali, hindu at egyptians.

Dito sa Saudi rin ako natutong makakilala ng totoo sa Diyos nating buhay, bilang isang Born Again Christian. Sapagka't ibang klase pala maging isang Kristiyano, ibang klase pala siya magmamahal para sa kanyang mga anak. Sabi nga niya "Jer 29:11 (NIV) "For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Dito ko natutong lunukin ang aking pride na bitbit ko pa nung ako'y nasa pinas pa lamang.  Ngunit bilang isang anak niya, hindi ata ganung kadali na magbagong buhay, ngunit by His grace kailangan nating matutong lumakad ng pa-abante mula sa kanya, mabagal man ang proseso kailangan parin nating mamuhay para sa kanya.

 Marami ngang nagsasabi na "Makakapunta kana sa langit niyan, hahahhahahah!!!" Sabi ko naman sa kanila, ayokong mag-isa lang ako duon, gusto ko kasama kita duon. Minsan pa nga, madaming lumalayo sa'yo, at aminado ako na isa na duon ang ating pamilya at mga kamag-anak. At hindi lang iyan ang iyong mararanasan mas marami pa, hindi ko na iisa-isahin pa, alam ko bilang isang Kristiyano mararanasan mo rin ang mga ganyang pagsubok. Siyempre hindi parin mawawala ang mga temptations. Kaakibat na rin yan ng pakikipagsapalaran natin sa buhay.

Kaya iiwan ko muna sa inyo ang salitang ito, mahirap kasing maging author, hehehehehe... "ikaw bilang isang tao nakahanda kabang magbuwis ng iyong buhay para sa iyong minamahal?" Siyempre Oo ang isasagot ninyo di po ba?

Alam ninyo, ganyan ang ating Panginoong Hesus, nagawa niyang isakripisyo ang kanyang buhay, alang-alang sa ating lahat na makasalanan. Sabi niya nga "Therefore My Father loves Me, because I lay down My life that I may take it again. No one takes it from Me, but I lay it down of Myself. I have power to lay it down, and I have power to take it again. This command I have received from My Father." - John 10:17-18. 


Hanggang sa muli! Maassalam!






No comments:

Post a Comment