Saturday, January 8, 2011

Viva! Viva???

Ako pinapagalitan ako ng mama ko kung kinokontra ko ang pagiging Devoted nila
sa mga Santo. Ang sa akin lang, bakit kelangan pa ng mga Imahe para makipag-ugnayan sa Diyos na buhay? Malinaw na nakasaad sa Bible

There you will worship man-made gods of wood and stone, which cannot see or hear or eat or smell. -Deuteronomy 4:28

You shall not bow down to them or worship them; for I, the LORD your God, am a jealous God, punishing the children for the sin of the fathers to the third and fourth generation of those who hate me. -EXO 20:5

Ako mas pinaniniwalaan ko ang Biblia, at never po akong naniniwala sa ibang mga aklat. Aanhin po naten ang kasabihan na ANG BIBLIA ANG SIYANG BANAL NA AKLAT, kung gagamit naman po tayo ng ibang references? Hindi na nakakalugod sa Diyos yun.

Bakit hindi po naten tanungin ang ating mga sarili ngayon, kung nakakalugod nga ba sa Diyos ang ginagawa naten? Bakit kailangan ninyong sayangin ang inyong mga buhay sa pagsayaw, pakikipila, pagpupunas sa mga Imahe? Bago nyo ko husgahan siyasatin po muna naten ang ating mga sarili. For the Glory of God! Amen

WORSHIPPING GOD IN TRUTH

A. MEANS TO OFFER "TRUE (REAL)" WORSHIP...
1. To worship according to the commands of God?
a. Certainly we should do this
b. But this is no contrast to what God expected in the OT - cf.
Deut 5:32-33
c. Jesus admitted that the Jews were right in their worship
- Jn 4:22
2. What then is the contrast between worship that was and that
which "now is"?
a. Not between true and false worship
b. But between that which is true (real) and that which had
been a shadow
-- A worship was coming that was more in keeping with truth and
reality


WORSHIPPING GOD TODAY

A. NOT ALL WORSHIP IS ACCEPTABLE...
1. There is vain worship - Mt 15:7-9
a. Based on traditions of men, while ignoring the commands of
God
b. Offered without involving our "hearts" (spirits)
2. There is ignorant worship - Ac 17:22-23
a. Ignorant of the true nature of God
b. Ignorant of the worship He desires
3. There is will worship - Col 2:20-23 (KJV)
a. Self-imposed, not God-directed
b. What we like, what we think is good
-- Just because we worship God, does not mean He is pleased with
our worship!

Wednesday, January 5, 2011

Efeso 6:10-18 Ang Baluting Kaloob ng Diyos

Efeso 6:10-18 Ang Baluting Kaloob ng Diyos

    10 Sa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa PANGINOON at sa tulong ng dakilang kapangyarihan NIYA.
11 Isuot ninyo ang baluting kaloob ng DIYOS, upang mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng  diyablo.12 Sapagkat ang kalaban nati'y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga maykapangyarihan, at mga taga pamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito- ang mga hukbong espirituwal  ng kasamaan sa himpapawid. 13 Kaya't isuot ninyo ang baluting mula sa DIYOS. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng masamang araw na iyon, at pagkatapos ng inyong pakikipaglaban ay matatag pa rin kayong nakatayo.
     14 Kaya't maging handa kayo: gawin niyong bigkis ang katotohanan, itakip sa dibdib ang baluti ng pagkamatuwid. 15at isuot ang panyapak ng pagiging handa sa pangangaral ng Mabuting Balita ng pakikipagkasundo sa Diyos. 16Taglayin ninyong lagi ang kalasag ng pananalig kay Cristo, bilang panangga't pamatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng masama. 17 Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan , at kunin ninyo ang tabak na kaloob ng Espiritu, samakatuwid, ang Salita ng DIYOS. 18 Ang lahat ng ito'y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Kaya't lagi kayong maging handa, at manalangin para sa lahat ng hinirang ng DIYOS. 
 

Love With Silence

As i have loved you, love others without any words even without expressing at all,
For love 2b truly deep and profound serve without recognition from anybody,
Do good deeds for others, without being known from others.
Don't make excuse wen u r scolded
Don't seek revenge wen sum1 hurts u with words

Love with silence
Wen people reject u just love with silence
Pray for them, wen u try 2 help but even they refuse you,
Love with silence wen people ignore u
Endure the sorrow wen u r repelled by others
Remind urself always to spread hapiness and joy 2 others

Love with silence wen u r irritated by the words and deeds of others
Offer God the pain u have deep inside ur heart
Remind urself always 2 respect and care for other brothers and sisters
Within urself, never allow resentments, harsh accusation or lack of endurance
Love with silence

by Michelle Francisco

Walang Hanggang Pamana

Mula nuon ako'y pinahalagahan,
Pasaki't ninyo ay walang katapusan.
Ginto man, mula sa akin ay ibigay,
Gantimpala ay sa inyo'y magpupugay.



Mula pagkabata hanggang sa pagtanda,
Biyaya'y mula sa inyo ay kasama.
Kayo man mawalay ito'y may halaga,
Sa puso ko ay walang hanggang pamana.



Mula umpisa hanggang sa kahulihan,
Itong pagmamahal ninyo ay puspusan.
Mawala'y man ang aking Ina at Ama,
Pag-ibig nila'y walang hanggang pamana.

by Ashrock

Christian Life ko sa Gitnang Silangan

Unang una nais kong pasalamatan ang Diyos nating buhay Hesukristo, sa walang kupas na paggabay niya sa buhay ko. At sa mga taong nagbukas palad para sa akin,  upang magkaroon ng maayos na career sa buhay.

Medyo minsan naiisip ko na mahirap mabuhay, kaya minsan nasasabi ko na "Lord sana tapusin mo na ang buhay ko." Kasi ba naman, mahirap talagang mamuhay sa Pilipinas, at hindi lang sa bansa ko, kundi sa buong mundo na kung saan mayroong mahihirap na bansa. Hindi naman ako lumaking mayaman, pero sa awa ng Diyos, nakakakain na kami ng 3 beses sa isang araw na hindi nangungutang ang mama ko (Siyempre may business si Mama). Tambay lang kasi ako before, after kong makagraduate sa AMA (Computer Learning School). Ngunit hindi naman ako binigo ni Lord sa mga prayers ko. After kong makapasok sa UDM (Unibersidad de Manila) para kumuha lamang ng short course,  nakilala ko ang isang tao na siyang naging tulay para ako'y makapunta dito sa Saudi Arabia. At the age of 20 years old, nakapunta na ako dito sa Saudi. Pero hindi rin ganung kadali yun! Ang hirap magprocess ng mga papers... After mong matapos lahat ng mga yun, waiting pa ako ng 4 months after nung medical ko. Pero by His grace, nakabawi rin ako sa mga gastos ni mama para makapunta ako dito. Nung una hindi ko alam kung anong klaseng lugar ba yung pupuntahan ko? Naisip ko kasi na dito sa Saudi mainit, pero sabi ng employer ko, malamig daw sa place namin. At ito ang Abha, Saudi Arabia, kaya praise God kasi hindi ako sa mainit na lugar na punta.

 Ngayong naririto na ako. Grabe nagmukha akong alien, ibang iba ang kultura ng mga tao dito. Lalo na ang mga kababaihan. At ang tingin nilang lahat sa akin ay si Jackie Chan, dahil mukha daw akong Chinese at Japanese looks. Hindi katulad sa bansa natin na walang pumapansin sa'yo, dito panay tingin at bati sa'yo ng "SALAMALAIKOM." Siyempre, nag-adjust ako sa pakikitungo ko sa kanilang lahat lalong-lalo na sa boss ko na talagang maninibago ka sa ugali niya. Gayundin sa ibang mga lahi, katulad ng nepali, hindu at egyptians.

Dito sa Saudi rin ako natutong makakilala ng totoo sa Diyos nating buhay, bilang isang Born Again Christian. Sapagka't ibang klase pala maging isang Kristiyano, ibang klase pala siya magmamahal para sa kanyang mga anak. Sabi nga niya "Jer 29:11 (NIV) "For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Dito ko natutong lunukin ang aking pride na bitbit ko pa nung ako'y nasa pinas pa lamang.  Ngunit bilang isang anak niya, hindi ata ganung kadali na magbagong buhay, ngunit by His grace kailangan nating matutong lumakad ng pa-abante mula sa kanya, mabagal man ang proseso kailangan parin nating mamuhay para sa kanya.

 Marami ngang nagsasabi na "Makakapunta kana sa langit niyan, hahahhahahah!!!" Sabi ko naman sa kanila, ayokong mag-isa lang ako duon, gusto ko kasama kita duon. Minsan pa nga, madaming lumalayo sa'yo, at aminado ako na isa na duon ang ating pamilya at mga kamag-anak. At hindi lang iyan ang iyong mararanasan mas marami pa, hindi ko na iisa-isahin pa, alam ko bilang isang Kristiyano mararanasan mo rin ang mga ganyang pagsubok. Siyempre hindi parin mawawala ang mga temptations. Kaakibat na rin yan ng pakikipagsapalaran natin sa buhay.

Kaya iiwan ko muna sa inyo ang salitang ito, mahirap kasing maging author, hehehehehe... "ikaw bilang isang tao nakahanda kabang magbuwis ng iyong buhay para sa iyong minamahal?" Siyempre Oo ang isasagot ninyo di po ba?

Alam ninyo, ganyan ang ating Panginoong Hesus, nagawa niyang isakripisyo ang kanyang buhay, alang-alang sa ating lahat na makasalanan. Sabi niya nga "Therefore My Father loves Me, because I lay down My life that I may take it again. No one takes it from Me, but I lay it down of Myself. I have power to lay it down, and I have power to take it again. This command I have received from My Father." - John 10:17-18. 


Hanggang sa muli! Maassalam!